(G-Em-C-D)
Nawawala ang salitang pag-ibig.
Nasaan? tanong ko sa iyo.
At bigla kang tumakbo.
Hinabol kita.
May nadaanan tayong pusong kasintaas ng tao, tumitibok
kahit nag-iisa, pulang-pula, tumutulo ng dugo.
Nawawala ang salitang pag-ibig.
Nadudurog ang mga batong naapakan natin, napipisa
ang kanilang mukha.
Lumiko ka sa isang kanto ng gusali.
Kumaskas ang balat, napunitan ka, retaso
sa matalim na semento.
Hindi kita maabut-abutan.
Pagkakuha ng balat mo, nakita kita, nakaupo sa bangko.
At tinanong kita sa huling pagkakataon, Mahal mo ba ako?
Oo. Pero ako, mahal mo ba?
Nawawala ang salitang pag-ibig.

No comments:
Post a Comment