Sunday, January 4, 2009

Hindi Mo Alam

Hindi mo alam

kung ano’ng mahalaga

habang nariyan ka pa

habang hindi pa uwian

 

Hindi mo alam

na mahal pala kita

na mahal mo pala ako

habang hindi pa nagpapaalam

 

Hindi mo alam

na hindi ko sinasadyang

saktan kita

Gayon ka rin sa akin

 

Hindi mo alam

na matalas ang patalim ng umaga

habang gabi, madilim

at wala kang nakikita

 

Hindi mo alam

pero malalaman din

kapag huli na

o kaya’y hindi pa

 

Hindi mo alam

at hindi na malalaman

dahil nakapikit

at ayaw kitang makita

 

Hindi mo alam

na hindi ko sinasadyang

saktan kita

Gayon ka rin sa akin

 

Hindi mo alam

na matalas ang patalim ng umaga

habang gabi, madilim

at wala kang nakikita

Kunwari

Kunwari mahal mo ako.

Kunwari mahal kita.

Kunwari wala kang mahal pang iba.

At ikaw lang ang iniibig ko.

 

Nasaan tayo?

Nasa malayong lugar.

Malayo sa lahat ng bagay.

 

Nasaan tayo?

Sa tabindagat,

sa burol,

sa parang,

sa pampang.

 

Kunwari mahal mo ako.

Kunwari mahal kita.

Kunwari wala kang mahal pang iba.

At ikaw lang ang iniibig ko.

 

Nasaan tayo?

Sa piling ng isa’t isa.

Hanggang kailan?

Hindi ko alam.

 

Hanggang kailan?

Ito ba’y mahalaga?

Ngayong sandali

ay magpakailanman.

 

Kunwari mahal mo ako.

Kunwari mahal kita.

Kunwari wala kang mahal pang iba.

At ikaw lang ang iniibig ko.

 

O di kaya’y kunwari, hindi magkakilala.

Kunwari hindi magkaibigan.

Kunwari hindi tayo nagmahalan.

Kahit minsan lang.

 

            Kunwari mahal mo ako.  Kunwari mahal.  Kunwari mahal kita.         Mahal na mahal kita.  Kunwari wala kang mahal pang iba.

At ikaw lang ang Kunwari mahal mo ako. Ikaw lang ang

            Kunwari mahal kita. Ikaw lang ang Wala kang mahal pang iba.

                                        Wala kang mahal pang iba.

                                                            Ikaw lang ang iniibig ko.

Harana

Hayaan mong haranahin kita

habang himbing ang hangin at gabi
kapiling mo.

Ako na lang ang dudungaw
sa bintana ng panaginip mo.
Huwag ipikit ang sarili
habang hindi tapos ang awit.

At pakakawalan ko ang mga bituin
Pakakawalan
Pakakawala ko ang mga bituin:
Malaya ka na sa akin.

Marupok

(E-G#m-A-B)

 

marupok

marupok pa sa sapot

marupok pa sa sulok

inaalikabok

 

marupok

marupok pa sa antok

marupok pa sa gusot

hindi makalusot

 

kay hina ko

kay hina ng pag-ibig ko sa yo

gumuguho parang bato

parang ako sa yo

 

marupok

marupok pa sa kurot

marupok pa sa gapok

sinisinok

 

marupok

marupok pa sa rupok

marupok pa sa limot

kinakalmot

Baguio

Verse 1: Am - F - E (la)

lumindol kahapon sa baguio

pero walang namatay na tao

walang natarantang aso

walang tahanang gumuho

 

lumindol kahapon sa baguio

pero sa loob ko

nayanig ang dibdib ko

pagsara mo ng pinto

 

Chorus: C - Em - F - G (sol)

walang kasinlamig ngayon sa baguio

walang kasinlungkot ngayon sa baguio

wala wala wala wala ngayon ngayon ngayon ngayon

ngayong wala ka na sa tabi ko

 

Verse 2:

lumindol sa baguio kahapon

pero walang nabasag na garapon

walang naipit na pagong

walang iuuwi sa kahon

 

lumindol sa baguio kahapon

pero dito hindi doon

ang puso ko'y nabaon

di ka na babalik, iyong tugon

Kay Lungkot

G - Em - C

 

(ti re)

VERSE 1

hinahawakan ko ang kamay mo

habang hawak ko ang kamay niya

 

hinahalikan ko ang labi mo

habang hinahalikan ko ang labi niya

 

VERSE 2

hinahaplos ko ang buhok mo

habang hinahaplos ko ang buhok niya

 

minamahal kita

habang minamahal ko siya

 

(sol la) (ti re)

CHORUS

kay lungkot ng ganitong pag-ibig

kay lungkot ayoko nang umibig

 

BRIDGE

kung pag-ibig nga ba itong maituturing

pero anong  itatawag ko sa nararamdaman kong ito

Nangungulila


Salita ni Jose Corazon De Jesus

Musika ni Khavn

 

Berso: G – D/F# - Em – D – C – Bm – Am – D

 

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak

Pilak ay may pakpak

Dagling lumilipad

Pag iniwan ka na, ika’y maghihirap

 

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda

Ganda’y nagbabawa

Kapag dumadami?

Ang lahat sa mundo’y

Sadyang nag-iiba

 

Koro: C – Bm – Am – Bm

 

Nangungulilang puso ko

Kailanpama’y sumusuyo

Ulila’t busog sa siphayo

 

Nangungulilang puso ko

Lagi na lang kalaguyo

Ng palad ko sawing hingalo

 

INSTRUMENTAL

 

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak

Pilay ay may pakpak

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda

Ganda’y nag-iiiba

 

KORO

Andito

C - Em (/F#-/G) -- F

huwag kang mag-alala

huwag kang mabahala

huwag kang mawawalan ng pag-asa

 

huwag kang matakot

huwag kang malulungkot

huwag kang mabagabag, mabantulot

 

G - Bm - C - D

andito lang ako

sa tabi mo

hindi kita iiwan

kailanman

 

huwag kang susuko

huwag kang guguho

huwag kang bibigay sa pagkabigo

Sawi

C – G/B – Am – G – F – Em – Dm - G

 

Kay hirap umibig ng taong walang puso

Madugong magmahal nang totoo

 

Hindi na ko nagpaligoy pa

Hindi makalangoy sa dagat ng dibdib mo

 

F – G – Em – Am – Dm – G – C – C7

 

Sawi, sawi ako sa yo

Binalik mo ang puso kong inalay ko sa yo

Sawi, sawing-sawi ako

Nalulungkot ang puso kong nilukot mo

 

Lagi mong tinatanong kung bakit bakit bakit

Wala naman akong masagot

Isa lamang akong luku-lukong seryosong umiibig sa yo

Walang pag-asang romantiko

 

Ganito ba talaga ang pag-ibig

Hindi ito pag-ibig

Ayoko nang umibig

Gusto

ba't parang bitin pa rin

kahit ano'ng gawin

hindi pa rin makuntento

hindi pa rin

 

hinahanap-hanap ka

hanggang ngayon sinta

hindi pa rin masanay-sanay

sa pag-iisa

 

 

gusto kong marinig ang boses mo

gusto kong halikan ang labi mo

gusto kitang yakapin

hanggang umaga

 

gusto kong marinig ang buhay mo

gusto kong halikan ang puso mo

gusto kitang kasama

hanggang may umaga

 

 

tanong mo nga sa 'kin

ano pa'ng aking gusto

ano pa bang 'di nakukuha

ano pa

 

sagot ko naman sa 'yo

wala na 'kong gusto

kundi paulit-ulit-ulit

na ganito

Hanggang Ngayon

pinagmamasdan / mo na naman / ang mga bituin

para bang / may nakikita kang / salamin

para bang may hinahanap kang damdaming

nagtatago (lang) sa pagitan ng mga bituin

 

pinagmamasdan mo na naman ang mga bituin

naghihintay sa sagot na (iha)hatid (naman) ng hangin

walang-kakurap-kurap mabubulag sa ningning

o sa katahimikan ng mga bituin

 

 

hanggang ngayon

parang kahapon

hanggang ngayon

maglalaon

 

hindi makabangon

umaalon

natatapon

pumaparoon

 

 

pinagmamasdan mo na naman ang mga bituin

hindi alam kung bakit pero nakatingin

walang ibang naririyan kundi ang dilim

at alaala ng mga patay(nagpaalam) na bituin

Malungkot Ka Pa Rin

Nakuha mo ang mga bituin

Nakuha mo ang mga pansin

Nakuha mo ang iyong gusto

Malungkot ka pa rin

 

Nakuha mo ang mga lawin

Nakuha mo ang mga lambing

Nakuha mo ang iyong gusto

Malungkot ka pa rin

 

 

Sabi sa sarili

Wala nang hahanapin pa

Pero pagkatapos

Kulang pa rin

Kapos pa rin

 

 

Nakuha mo ang mga hasmin

Nakuha mo kanilang angkin

Nakuha mo ang iyong gusto

Malungkot ka pa rin

 

Malungkot ka pa rin

 

Malungkot ka pa rin 

Mababa Ang Buwan

(G-C)

Mababa ang buwan ngayong gabi.                                                                    

(G-Em)

Abot ng palad ang kanyang liwanag.                                         

(C-F)

Sakop ang langit sa pagitan ng sanga.                                                  

(G-/F#-Em-Am-Bm-C)

Nag-iisa siya sa malawak na dilim.                                    

 

 

(Am-Bm-C-C/D-D/E)

Wala ka pa rin sa aking piling.

(Am-/G-/F)

At may puwang sa aking dibdib.

(Am-Bm-C-C/D-D/E)

Hindi ko alam kung nasaan ka.

(Am-/G-/F)

Ang alam ko lang ay wala ka.

(Am-Bm-C)

Wala sa aking tabi.

 

(G-C)

Ayaw tumaas ng buwan ngayong gabi.              

(G-Em)

May saya kaya sa laylayan ng langit?

(C-F)

O wala lang siyang magawa?

(G-/F#-Em-Am-Bm-C)

Mababa ang buwan at nag-iisa ako.

 

(KORO)

 

(Am-Bm-C)

Mababa ang buwan at nag-iisa ako.

Sa Tabi Mo

Sa tabi mo

            Natatagpuan ang hinahanap ko

Sa tabi mo

            Nakikilala ang sarili ko

Sa tabi mo       

            Nararating ang aking sadya

Sa tabi mo

            Naabot kahit pa pinakamalayong tala

                                   

Sa tabi mo

            Nauunawaan ko ang lahat

Sa tabi mo

            Nakakamtan ay higit pa sa sapat

Sa tabi mo

            Nakikita ang mahalaga

Sa tabi mo

Nadarama ang ligaya

 

Lumalangoy ako sa ilog mo

Nagpapaanod sa agos mo


Tinatangay

Nagpapatangay

Nalulunod sa iyo

 

Sa tabi mo

            Nasasabing “Sulit ang sandali”

Sa tabi mo

            Hirap ay biglang dumadali        

Sa tabi mo

            Lihim ay walang dahilan

Sa tabi mo

Naglalaho anumang pinapasan

Nakalimutan Ko Na

nakalimutan ko na ang yakap mo

ang lambing mo, ang halik mo

nakalimutan ko na ang ngiting

nagtatago sa likod ng luha mo

 

 

nakalimutan ko na ang sulat mo

ang tawa mo, ang hirit mo

nakalimutan ko na ang luhang

nagtatago sa likod ng ngiti mo

 

 

nakalimutan ko na

nakalimutan ko na ang lahat

nakalimutan ko na

nakalimutan ko na ang lahat

maliban sa

maliban sa paglimot sa yo

 

 

nakalimutan ko na ang galit mo

ang init mo, ang lamig mo

ang mahal mo, ang mura mo

nakalimutan ko na ang luha, ngiting

nagtatago sa likod ng ngiti mo

sa likod ng luha mo

Tsikinini

Naglalakad sa dilim,

biglang may kung ano,

hindi ko alam.

 

Biglang may lumitaw

sa aking ha-harapan.

 

 

Bigla akong dinamba,

sinagpang ang aking leeg,

at aruy aguy, ang saraaap!

 

 

Tsikinini, tsikinini,

kinagat ka ba ng paniki?

 

Tsikinini, tsikinini,

kinagat, kinagat.

 

 

Nakahiga sa dilim,

sa loob ng kwa-kwarto ko.

Nag-iisip kung ano nga bang

may gawa nito.

 

 

Bampira ba ang dumamba,

at siya’y amateur pa,

kaya’t walang dugong nakuha.

 

 

Tsikinini, tsikinini,

kinagat ka ba ng paniki?

 

Tsikinini, tsikinini,

kinagat, kinagat.

Nawawala Ang Salitang Pag-ibig

(G-Em-C-D)

Nawawala ang salitang pag-ibig.

 

Nasaan? tanong ko sa iyo.

 

At bigla kang tumakbo.

 

Hinabol kita.

 

May nadaanan tayong pusong kasintaas ng tao, tumitibok

            kahit nag-iisa, pulang-pula, tumutulo ng dugo.

 

Nawawala ang salitang pag-ibig.

 

Nadudurog ang mga batong naapakan natin, napipisa

            ang kanilang mukha.

 

Lumiko ka sa isang kanto ng gusali.

 

Kumaskas ang balat, napunitan ka, retaso

            sa matalim na semento.

 

Hindi kita maabut-abutan.

 

Pagkakuha ng balat mo, nakita kita, nakaupo sa bangko.

 

At tinanong kita sa huling pagkakataon, Mahal mo ba ako?

 

Oo. Pero ako, mahal mo ba?

 

Nawawala ang salitang pag-ibig.

E 'No Ngayon

E ‘no ngayon kung ayaw mo sa ‘kin

E ‘no ngayon ngayong meron ka nang iba

E ‘no ngayon kung bagsakan mo ‘ko ng telepono

E ‘no ngayon kung dedma-dedmahin mo ‘ko

 

E ‘no ngayon (enongayon enongayon) 2x

 

 

Marami d’yang mas mabait mas maganda

Marami d’yang iba

Marami d’yang mas mabait mas maganda

Hindi ako Hindi ako (hindi ako hindi ako)

Nag-iisa Nag-iisa

 

 

Sori na lang kung ayaw mo ‘kong makausap

Sori na lang kung ayaw mo ‘kong makita

Sori na lang kung gusto mong makipagbalikan

Sori na lang Maghanap ka na lang ng iba

 

Sori na lang (ayoko na ayoko na) 2x

 

(Koro)

 

Hindi ako nag-iisa

 

E ‘no ngayon kung ayaw mo sa ‘kin

(Ayoko na rin sa ‘yo)

E ‘no ngayon ngayong meron ka nang iba

(Meron na rin akong iba)

E ‘no ngayon kung ayaw mo ‘kong makausap

(Mas mabuti nga)

E ‘no ngayon kung ayaw mo ‘kong makita

 

E ‘no ngayon (enongayon enongayon) 3x

 

E ‘no ngayon (E ‘no ngayon) 2x

 

E ‘no (E ‘no) E ‘no ngayon

(Ngayon) E ‘no ngayon (E ‘no ngayon)

 

E ‘no ngayon!

Break

(G-G/F#-/F...)

break

break na naman

breakfast pa naman

hindi ba pwedeng

maghintay man lang

ng tanghalian

o hapunan

 

break

break na naman

breaktime muna

dahil pagod na pagod na ako

at hapo ka na rin

 

 

            (C-Bm-Am-G)

hiwalay kung hiwalay

away na lang nang away

 

hiwalay kung hiwalay

bago meron pa sa 'ting mamatay

 

hiwalay kung hiwalay

mahirap mang magwalay

 

hiwalay kung hiwalay

sana nga'y masanay

 

 

break

break na naman

break-in break-out

break-on break-off

break-down break-up

na nga bang talaga

Bitter Words

Lyrics by Makoy Dakuykoy / Pablo Neruda

 

E – A

 

Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.

Mag-scribble-skribulan halimbawa: "Ang gabi ay pilantod

at nangangalantutay, bugbog-sarado, ang mga bituin sa malayo.

Paroo't parito ang hangin at ngumangawang parang baka.

 

Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.

Labs ko sya, at minsan daw labs nya rin ako.

Sa mga gabing tulad nito, nilalamas ko sya sa aking kandungan.

Nilalaplap ko sya sa silong ng marvelous na kalangitan.

Labs nya ko, at minsan labs ko rin sya.

Panong di ko mamahalin ang malalaki't

bilugan nyang mga mata --- parang pugita?

 

Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.

Imagine kong wala sya sakin. Ma-feel kong na-lost ko na sya.

Mapakinggan ko ang gabing OA, mas lalong OA dahil wala sya.

At ang talinhaga ay dumidila sa malay tulad ng hamog sa talahib.

Ano pa bang meron dyan, Ineng, kung hindi sya mapapasaakin?

Period. Sa malayo, may ngumangawa. Sa malayo.

Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.

 

At para bagang nandyan lang sya sa tabi-tabi, hinahanap ko pa sya.

Hinahanap sya ng puso ko, kapag wala sya sa tabi ko.

Ang gabi ring ito'y nagkukulapol ng dirty white sa mga troso.

Hindi na kami ang dating kaming kami.

Hindi ko na sya labs, pramis, pero labs na labs ko sya dati.

Hinahagilap ng hininga ko ang hangin para bugahan sya.

 

Nilalaplap na sya ng iba, tulad ng paglaplap ko sa kanya.

Ang boses nya, ang seksi nyang wankata, ang for layp nyang mga mata.

 

Hindi ko na sya labs, pramis, pero medyo labidabs ko pa rin sya.

Maigsi lang ang labyap ko pero ang makalimot,

sangkatutak na 50 golden years ang inaabot.

 

Dahil sa mga gabing ganito nilalamas ko sya sa aking kandungan,

Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.

Kahit ito na ang last chance ko para magmaasim

at ito na rin ang huling chuminess ko sa kanya.

 

Neruda Redux / soulfly / Track 20 sa koleksyong Veinte poemas de amor ni Pablo Neruda, bersyon ni Makoy Dakuykoy --bersyong "walang aray!"

Matamlay

Am7 – Dm7

 

Matamlay

Ako ay

Matamlay

Mahina pa sa lantang gulay

Hindi makalangoy sa agos ng buhay

Hindi makaagapay

sa bilis ng mga bagay-bagay

Patang-pata, pagod na pagod,

hindi makagulapay, matamlay.

Dahil lang ba ito sa lumbay

Lungkot ng walang kaakbay?

 

Matamlay.

Isa akong bahay

na walang suhay

Walang katibayan ng pagkatibay.

Ay, ay,

Ay bagyo, huwag ka ngayong sumabay.

 

Gusto kong magkasungay

At buntot ng tambay na kaaway

Manakit para ikaw naman ang umaray

Pero wala,

Pero walang makapagbigay.

 

Matamlay

Hindi ko na mabulay

Maski pagkakaugnay

ng siomai, babay, himlay, at tinapay.

 

Matamlay, balikat ko’y hindi na pantay.

Matamlay, pumapalag  na ang atay ng aking tatay.

Matamlay, naghihintay na lang ng mahal

na araw ng patay.

 

Hay, hay,

Hay, ano nga ba ang tunay?

Meron pa bang tunay?

 

Matamlay. Matamlay. Matamlay.

Sapat Na

Verse: Bb – Am.

Gm – Am – Bb – C

 

Chorus: F – C/E – Dm – C – Bb – Am – Gm – C

 

 

Sapat na ang iyong halik sa umaga

Sapat na ang yakap mo sa gabi

Sapat na ang tinig mong hangin

                ang titig mong bituin

 

 

Wala nang hahanapin pa

Pag-ibig mo’y sapat na

Sa puso kong ulila

 

Wala na akong hihilingin

Kundi ika’y makapiling

Sana ako’y sapat na rin

 

 

Sapat na ang tawa mong araw

Sapat na ang luha mong ulan

Sapat na buhangin mong balat

                buhok mong dagat

Sapat na

Laging Labsong na Lang

Intro: G - C - D; G - Bm - C - D; C - F/C - Em - F - G

 

Verse 1: AM7 - F#m7 - D - C#m7  - Bm7 - E

Iniwan ka ng syota mo. Nagbreak kayo ng sweetheart mo. Binasted ka ng nililigawan mo.

 

Verse 2: AM7 - F#m7 - D - Bm7 - G/A - A

Inisnab ka ng HD mo. Bad-trip kayo ng MU mo. Hirit ng hirang mo:

"Cool-off muna tayo".

 

Refrain 1: Gm7 - Dm7 - Am7 - D

Kahit saan ka magpunta, ‘yong maaalala: ikaw ay nag-iisa dahil

           

Chorus 1: C - D/C - Bm7 - Em7         

Laging labsong na lang ang maririnig mo.

Bawat nota, bawat letra, sapul ang puso mo.

Laging labsong, bakit nga ba? Wala na bang iba?

Am7 - D

Imbis na makatulong, dumaragdag pa.

 

Instrumental: C - F - Em - Am; F - Em - Dm - G

 

Verse 1: AM7 - F#m7 - D - C#m7 - Bm7 - G/A - A

Inaway ka ng irog mo. Nasulot ng best friend mo. Sabi ng 'yong sinta:

"Split na lang tayo".

 

Refrain 2: Gm7 - Dm7 - Am7 - D

Sari-saring suliranin, sakit ng puso. Lalo pang lumalala, dahil

 

Repeat CHORUS 1

 

Chorus 2: C - D/C - Bm7 - Em7         

Laging labsong na lang ang maririnig mo.

Bawat nota, bawat letra, sapul ang sugat mo.

Laging labsong, bakit nga ba? Wala na bang iba?

Am7 - D

Ako'y sawang-sawa na.

 

Ending: GM7 - CM7 (2x)

 

EM7

I love you.