Am7 – Dm7
Matamlay
Ako ay
Matamlay
Mahina pa sa lantang gulay
Hindi makalangoy sa agos ng buhay
Hindi makaagapay
sa bilis ng mga bagay-bagay
Patang-pata, pagod na pagod,
hindi makagulapay, matamlay.
Dahil lang ba ito sa lumbay
Lungkot ng walang kaakbay?
Matamlay.
Isa akong bahay
na walang suhay
Walang katibayan ng pagkatibay.
Ay, ay,
Ay bagyo, huwag ka ngayong sumabay.
Gusto kong magkasungay
At buntot ng tambay na kaaway
Manakit para ikaw naman ang umaray
Pero wala,
Pero walang makapagbigay.
Matamlay
Hindi ko na mabulay
Maski pagkakaugnay
ng siomai, babay, himlay, at tinapay.
Matamlay, balikat ko’y hindi na pantay.
Matamlay, pumapalag na ang atay ng aking tatay.
Matamlay, naghihintay na lang ng mahal
na araw ng patay.
Hay, hay,
Hay, ano nga ba ang tunay?
Meron pa bang tunay?

No comments:
Post a Comment