Hindi mo alam
kung ano’ng mahalaga
habang nariyan ka pa
habang hindi pa uwian
Hindi mo alam
na mahal pala kita
na mahal mo pala ako
habang hindi pa nagpapaalam
Hindi mo alam
na hindi ko sinasadyang
saktan kita
Gayon ka rin sa akin
Hindi mo alam
na matalas ang patalim ng umaga
habang gabi, madilim
at wala kang nakikita
Hindi mo alam
pero malalaman din
kapag huli na
o kaya’y hindi pa
Hindi mo alam
at hindi na malalaman
dahil nakapikit
at ayaw kitang makita
Hindi mo alam
na hindi ko sinasadyang
saktan kita
Gayon ka rin sa akin
Hindi mo alam
na matalas ang patalim ng umaga
habang gabi, madilim
at wala kang nakikita
